Travel Kwento
hi peeps,
Sensya na kayo at now lang ako naka email. Nag adjust pa ako sa time and place . Saka mega housewife ako here luto breakfast,baon ni edwin, alaga sa anak , linis, hugas, paliguan si keogh, pasyal sa park at grocery. Hirap tumunganga kakahiya .
So here is my kwento, 2PM (june 9 MLA time) nasa NAIA airport kami, drop by lang ko ng parents and Mother in law, may iyakan. Pagpasok airport 1 big luggage bag,1 balikbayan box, isang bag na malaki at 2 hand carry. So timbangan na, ang siste yung balikbayan box ko nag excess ng 1 kilo di pinalusot pinabawasan at nilipat ko sa isang bag, ang kaso yung balikbayan box ko is puno ng tape, hayyy nag tanggal pa ako ng tape buti na lang may nag assist sa akin na airport crew, di naman nya ako iniwan, naging dala kong gamit is 1 balikbayan box,1 big luggage bag,1 big bag and 1 backpack. And ofcourse my 2 hand carry. Eto naman ang problem yung hand carry ko daw di pede kasi medyo bulky nagmakaawa na lang ako kasi di pedeng hindi yun ang hand carry ko kasi i need a bag na may wheels para hilahin ko lang. buti na lang pinalusot, so oki na naka check in na kaming mag ina, kakahiya nga sa tumulong sa akin di ko nabigyan ng tip kaso sakto lang yung peso ko pang pay ng terminal fee at $100 dollar na buo lang pera ko. Humingi na lang ako ng depensa at nag thank you sa airport crew. Eto na bayaran ng terminal fee, nag umpisa ng mangulit si keogh nagmamadali pumasok, pagdating sa immigration mahaba pila , hala cge hila sya ng hila at nilalaro nya yung tali nuon sa pilahan, ang mahirap pa kasi may tali din si keogh binilan ko sya ng tali para sa amin dalawa at para may limit sya sa paglayo sa akin, laking tulong ng taling yun , kasi kapag nag aayos ako ng gamit alam kung within reach lang sya, kaso minsan umiikot sya sa tao, waaaaaaaaaaaahhh kakahiya sa tao kasi natali sla, alam nyo yung leash ng aso pero sa kamay namin mag ina, di ba kapag yung aso inikutan ka lagot kasi natali ka ganuon nangyari sa ibang tao sa amin, buti na lang at pa cute si keogh di sila nagagalit, sa kulit nya panay KEOGH DONT, KEOGH NO at KEOGH STOP , KEOGH PLS, hayyy buti na lang at di binibili ang pangalan ng anak ko kung hindi namulubi na ako.. pasok sa immigration punta na kami sa gate for china airline buti na lang maaga kami kaya medyo kahit nag ka aberya ng konti di kami nagmamadali. Habang naghihintay ng plane nag milk si keogh, saka eat biscuits, nilaro na nya lahat ng toys nya at naglakad na sya ng ilang beses saka lang kami mag board, pagdating sa plane buti na lang window side kami first time sakay ng plane ganda ng view , kakatuwa, pag angat ng plane , hingi ulit ng milk tapos nakatulog na si keogh buong 2 hrs and then baba kami TAIPEI Airport for our stop over, dahil natulog fully charge si keogh, lagot ako sa airport sabi ko kasi , intay kami ng 3hrs and 30mins bago sakay ulit ng plane. so heto na baba plane, sinundan ko lang ang flow ng tao kasi lilipat kami ng ibang terminal sa laki ng airport hati sya sa 2 so nag mini train kami , lakad , akyat, baba. nakakarating sa kabilang terminal , lakad ulit tapos 2 sides ulit sya mahaba yung each side kasing haba ng megamall (mega a at mega b magkasama) yun ang 1 sides (tapos same size sila nuong isang side pa). Ang major katangahan ko lang is maling side kami napunta imagine nilakad ni keogh yun kasi may energy pa sya kaso nuong pabalik napagod na umuupo na lang si keogh at ngumingiti kaya nilalaro ko na lang sya, kunwari habol nya ako, wawa nga si keogh eh di ko naman kayang buhatin kasi may hila ako sa ka may bitbit pa akong isang bag, dahan dahan at patigil tigil kami, saka may parang walkalator sa gitna kaso nuon tignan ko di umaandar asar talo ako , yun pala kapag apak mo aandar, aba malay ko di ba, first time, kami lang naglalakad mag ina kasi lahat ng kasabayan ko nanduon na, so lakad kami napansin ko na lang kung kailan malapit na kam , gumagana pala, hayyy katangahan talaga sa wakas nakarating kami sa tamang gate, intay ulit. May lumapit na mag asawang chinese old couple, di sila masyado marunong mag english, tinanong ako kung duon daw ba yung sa china airlines at kung anong time kasi naka paskil duon is military time di nya mainitindihan, explain ako, so oki na, etong si keogh naging malapit sa kanila kasama namin naghintay, umabot sa nagpapakarga na sya at sumasama, buti na lang mabait sila. tuwa din sila. yung daughter nya petition sila at pinoy daw yung asawa. di naman kami masyado nag usap kasi nga di sila masyado marunong english at di naman ako marunong mag chinese. so sakay na sa airplane at maganda pa may priority ang may dalang bata kaya una kaming nag board, kainis yung pwesto namin nsa gitna apatan at kami yung gitnang mag ina, katabi ko sa left is chinese guy na mukhang suplado, katabi ni keogh sa right is another chinese guy na mabait. Although oki sila, kaso hiya ako mag aalis sa upuan , hassle naman kaso no choice eh. so after 1 hour naka board sa plane sleep na si keogh buong flight, ang mahirap lang kasi sakop nya buong 2 seats kasi nakahiga sya so patagilid ako nakaupo at matulog, nanakit katawan ko, kapag gagalawin ko sya para umayos iyak sya, rinig sa buong plane . sa tagal ng tulog nya nangawit cguro nag iiyak no choice kundi isayaw, hala tayo at sinayaw ko sya kahit may turbulence.. mega mommy ako, 20 mins cguro ako nagsayaw sa plane bago ko sya binaba, hay naku kapagod talaga at sobrang kainip, parang natulog ka na , nagising at twice na kumain di ka pa din nakakarating sa patutunguhan mo.. finally nag landing na yung plane exactly 6:30 PM (US time,sat, june9), maliwanag pa, babaan sa plane nagising na si keogh, full of energy ulit, nagmamadali naman . Pagdating sa immigration haba ng pila . buti na lang pati yung para sa US residents /immigrants pinayagan na kami duon pumila kung hindi aabot kami ng 1 hour. Kainis pa yung ibang immigration officer ang bagal, nakasabayan ko pa nga si MAYOR LIM eh. Sayang wala akong camera nag pa-picture sana kami ni keogh, hehehe. Oki sa immigration officer, eto na kuhanan na ng luggage, pagpunta ko sa baggage claim area, OH MY GOD , mga ANAP sakto kumpol sila kumukuha ng baggage nila, WOW the smell talaga napaka untolerable, pagod ka na sa byahe tapos may batang makulit pa, hay talaga. Kinapalan ko na lang mukha ko nakiusap ako na kunin yun baggage ko sa isang indian na guy kasi si keogh sumasakay sa kuhanan mg luggage, malalaki kaya ng bags ko... buti a lang mabait yung indian guy kahit na may smell sya , basta mabuhat lang bags ko, oki na.. Nilagay nya pa sa cart, laking pasalamat ko talaga. Hala sige tulak palabas , sinakay ko na lang si keogh sa cart para di na magulit, aba labas na kami, akala ko anduon na si edwin nakangiti, ang loko wala LATE sila, o diba ang galing, medyo lingon lingon ako sa palagid ng mapagod umupo kami, sakto si keogh laro lang nanahimik yun pala gumagawa na ng milagro, nangamoy na sya, oki lang sna kasi binilinan ko sya pagdating na lang sya mag popo at least di ako nahirapan sa plane at di sya nangamoy duon, kaso nag alala ako kasi baka kapag puntahan namin ang CR which is nasa dulo ng side ng airport magka salisi kami ni edwin, deadma na lang muna, kung may makaamoy kay keogh na mabaho, deadma na lang sa kanila. Medyo naiinis na din ako hinanap namin si edwin sakto pagbalik namin anduon na sila sa tapat ng gate na nilabasan namin, si keogh buti na lang di pa iretable, lakad sya daldal lang ng daldal, hinarang sya ng ama nya for 2 secs tinitigan ni keogh si edwin nuon na recognize na nya sabay higpit ng yakap as in, ayaw bumitaw, mega na miss nya ama nya, so punta kami cr ayaw bumitaw sa ama nya nag iiyak kaso kailangan palitan ng diaper, habang change ng diaper iyak ng iyak akala mawawala yung ama nya.. hanggang makauwi kami sa house,pati pagbaba sa kotse nasa ama nya sya. Hay.. ngayon nag adjust pa si keogh, pagdating namin magdamag gising si keogh, tapos ng early morning nagpapalabas na kasi rinig nya yung mga birds, kaya lakad lakad silang mag ama sa harap ng house may maliit na lawn at may grass tuwang tuwa mag lakad si keogh. Grabe malamig here sa morning at evening sa tanghali mainit naman. Maganda at tahimik yung place, may malapit na park at palaruan, gustong gusto nga ni keogh mag laro duon, now pa lang sya nakaka adjust sa oras ng tulog.
As of me, still absorbing lahat, parang kailan lang nasa pinas ako, oki lang tumunganga kasi andyan ang nanay at tatay ko, now sa akin na lahat ang trabaho. Masaya na mahirap , pero at least kumpleto na kami, naghihinayang lang sana pede ko dalin parents ko agad kasi for sure matutuwa sila here. Ang bilis ng oras, haba ng araw 7pm na maliwanag pa din, nakakapanibago iba ibang nationalities ang nakakasalamuha mo dito. I still dont know what's our fututre here, but at least magkakasama kami.
Ang GOODNEWS sa amin ni edwin is naka-process na yung Green Card namin, inayos na ng company nya. So within a year and half GC Holder na kami =)
so that's all folks, sleep na ko kasi maaga pa ako gising later kasi handa breakfast at baon edwin. bye now. pls keep in touch, sensya na at mahaba at magulo kwento ko kayo na bahala absorb kasi antok na ko.
See pictures at COMPLETE AGAIN post , the baggages and my after 18hrs travel look.
2 comments:
Bilib ako sayo Jen! Super mommy! :)
Hi, Jeanny! I'm very happy for you and Ed. I know you'll be happy as long as you are together.
Keep in touch and we miss you!
love,
Madz
Post a Comment